With Hope and Consolation…
Sunday, June 28, 2009I must admit that I am striving desperately to write this letter. My primary concern was convincing you to just forget the story I assured you to read before the end of the semester. I was thinking to write a story for you after my mental health affiliation in manila for our psychiatric nursing probably after the semestral break. Actually, I was searching my peace of mind to begin if not totally finalized the composition. I am hard up with things bothering me about us. Yeah! About the two of us, about our friendship. I am pressured by outcome identification I am making just to help myself arrive with the presentation that would interests you as my reader. I never had been this conscious before. I’ve been foolish and given you some disappointments to what I did last vacation. And now… I am disturbed…
I have to consider all these factors because if I won’t then, I will surely lose in the end of this selfish struggle. The mere fact that I am thinking how the basic concepts of mine would finally come into reality, while you and I as learners are both busy with our own stuffs. I felt I had nothing to write about that would save the last composition I made for you. At this point, I am still asking strength to revive my mind and make another one. Indeed, I felt sorry, because I made you an instrument just to come up with the lines needed for a conversation in the story. I was not serious with it. And I was not good enough because it was not my intention to make you feel bad yet I was submerged to the sea of pain for hurting you unknowingly… You asked me why and that you never had the idea that I will make such stupidity to you last vacation. The consequence was… you were beaten and hurt by me.
I am bothered around with the notion of describing the differences of our lifestyles: yours as a seminarian, and mine as a student nurse, and even driven to come up with several paragraphs worth of interesting distinctions and few farewell lines perhaps. However, I had to divert my attention to other ideas for the reason that I was actually hurting myself every time I am in solitude as I ponder how distant we are and how your world differs with mine.
Oftentimes, I am tempted to escape the world I am in just to reach and enter yours. But it isn’t that easy to surrender everything and take the risks of a journey with no assurance, right? I intend to stay away from you if not to forget you after all these memories lingering on my mind. We met once, we talked oftentimes in the phone…and that’s how our friendship started and still trying to survive despite of distance and obstacles. I am playing again with my undecided feelings and perhaps over reacting with my emotion. Hahaha! Like how I, as a frustrated writer fascinated with paradoxical points and just go beyond what we should and must see.
It’s just so nice that the counterpart of this moment is the truth that I don’t have the courage to live life the way I used to, unto the time I known your existence. It’s clear to me that I had been hiding myself in the wrong and negative things at this point. I had failed to consider your part for I am selfish. The truth is, I want to stay and be with you until the time you finally give me your farewell hug and smile… Because you are now leaving all your baggage to effectively serve HIM (your LOVED ONE) and the people. And if that happens, then it’s a sign for us that we now indeed release each other to go and face the journey we chose. That you are now permitting me to be with someone else. And that I finally conquered the doubt of doing well for a span of time that we’ve been in each other’s side because of lack of strength to compete with HIM.
At times, it aches and makes me cry every time I beg Him to let me be with you for a while. But I came with my senses that His plans are still greater and better than mine. I trust Him in any way. I owed Him the day I knew and met you. It’s funny to be emotional every time I make compositions about you. Anyway, crying is my consolation…to earn the guts to release you. The more my heart bleeds, the more I feel this unexplainable emotion with willingness and joy. It is for the reason that I am learning to accept that you are living for your dream and purpose in life. What matters most now is for you to go on, strive and be the successful man you wanted to be. After all, your victory is my happiness. I am not telling you all these things for you to feel sorry and pity for me. I am just starting to set you free and let you fly. Just don’t forget that someone is backing you up until you reach your destination.
It is hard to explain to those people what is like to be in my shoes. I have long given up on tempting to make my colleagues understand why I decided to be alone still at this moment. To be single and free despite of the fact that many are trying to get in my heart. Or explaining to my best friend why I am torturing myself with this passion (because of my loyalty to you)of waiting for nothing. Despite of hopeless admiration and risks tendencies of getting weak and growing tired in the end. I just smiled at them…for they will never understand me unless they steal my heart and listen to its beat.
To this day…even I am still surprised by the things playing on my mind, I learned a lot from this reflection. You are my daddy…my big brother…my friend…and a special someone worth keeping for…after sometime…a priest^_^
Liham ng Pagbabaliktanaw…
Sa mga sandaling ito na nakaharap ako sa computer dito sa internet room dito sa aming eskwelahan, mapapansin mo ang kakaunting bilang ng mga tao. Labing-anim lamang kami. Kumbinasyon ng ilang mga clinical instructors at ilan ding mga manggagawa ng iba’t ibang departamento ng paaralan. Nandito si Gng. Resureccion na guro ko noon sa Panitikan at Rizal. Napansin niya ang pag-iisa ko at nagtaka siya kung bakit di pa ako umuuwi dahil alas syete na ng gabi. Tapos na ang pagsusulit para sa finals, kaya dapat daw nakauwi na rin ako sa aming probinsiya. At upang bigyang linaw ang kanyang pag-aagam-agam, kinailangan ko pang magpaliwanag sa kaniya. Hay… pasensiya na, sa totoo lang iniisip ko kung paano ko sisimulan ang kwentong ipinangako ko bago pa kami pumunta sa maynila sa linggo ng madaling araw… Ngayon ko palang ito gagawin, at una sa lahat, humihingi na ako ng paumanhin, dahil maaaring mabigo kita at di ko mameet yung expectations mo.
Ang daming bagay ang bumabagabag, hindi lamang sa aking isipan ngunit gayundin sa aking kalooban. Ilang beses ko na rin ito naibahagi sayo ngunit nais ko lang ulit ireview upang mas magkaintindihan tayo. Ang pagpasok ko sa buhay mo ay isang bagay na hindi ko mabigyang linaw sa aking sarili. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Alam kong alam mo na nakararamdam ako ng pag-aalinlangan sa sarili. Isang pag-aalinlangang nagbibigay kalungkutan at takot saking puso. Isang pag-aalinlangang nagpadama ng “guiltness” sa kaloob-looban ko. At isang pangangamba na sa likod ng mga ito ay balewala lamang ako. Na marahil, nagkakaroon na ng kumpitisyon sa pagitan ko at ng nasa itaas. At kung magkaganoon man, talo na ako kahit pa di pa nagsisimula ang lahat…
Tunay nga namang malikhain at may mataas na antas ng kaisipan ang tao at dahil dito ay nagkaroon ng internet. Napakamakapangyarihan ng teknolohiyang kumokontrol sa mga gawain sa kasalukuyan. At dahil sa internet, napaglalapit ang mga taong pinaghihiwalay ng milya-milyang distansiya, nagbibigay din ito ng oportunidad na mas makilala at makita ang ganda ng daigdig sa isang pindot lamang. At higit sa anu pa man, dahil sa internet, natagpuan kita.
Nagsimula ang lahat sa kinababaliwang internet site ng mga kabataan sa ngayon– ang friendster. At sa mga simpleng tanong-sagot natin ay nagsimula ang isang pagkakaibigang hindi inaasahang patuloy na lalago magpahanggang ngayon. Naisip ko ding kunin ang cellphone number mo noon, pero dahil sa kurso mo, nalaman kong bawal pala ang magdala ng cellphone sa paaralan niyo. Kaya naman, ang friendster ang nagsilbing tulay upang mas makilala pa natin ang bawat isa. Ang usapang simple ay naging mas malalim sa pagkakataong nakalipas. May kwentuhan, asaran, tawanan at kalungkutan. Mga bagay-bagay na ginagawa din ng mga tipikal na magkaibigan, ang pagkakaiba nga lang sa atin ay…hindi tayo pormal na magkakilala. Hindi pa talaga tayo personal na naghaharap. Pero hindi ito naging hadlang upang hindi natin maipadama ang pagpapahalagang ginagawa din ng tipikal na magkaibigan. At hindi ko maitatanggi…na sa mga panahong yun ay lubos ko ring ninais na makaharap at makilala ka ng personal. Minsan kasi naiisip kong may unresolved toddler stage ako. May imaginary friend. Nakatutuwa dahil mararamdaman ko ang mental at emotional presence mo—pero hindi ang pisikal na kaanyuan. At muli’t muli ay nagpapasalamt ako sa friendster kasi natatanaw ko ang napakainosente mong mukha sa kabila ng napakamatipuno mong tinig.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Parang nakuntento na ako sa kung ano man ang mayroon tayo. Nagapi ko ang pagnanasang makita ka ng personal. Ngunit muling sumigla ang kagustuhan kong makita ka dahil sa isang aktibidad ng mga kabataan sa Salcedo noon. Nasiyahan ako nung sabihin ng dalawa nating kaibigan na malaki ang posibilidad na makita kita doon. At nakaramdam ako ng excitement, saya at kaba. Excitement, kasi sa wakas makikilala na kita ng harapan. Saya, kasi magiging pormal na rin ang ating pagkakaibigan. At kaba, dahil baka hindi mo ako pansinin at ipagwalang-bahala mo lamang ako. Kaya nga lang… huli na nung malaman kong hindi ka pala makadadalo dahil may mas mahalaga kang gagawin at ito’y requirement sa kurso mo. Nung una nanghinayang ako ng lubos…ngunit nasabi ko na lamang sa sarili ko na, marahil hindi pa ito ang tamang panahon.
Nabigla ako noong biglang naputol ang ating komunikasyon sa friendster. Ang tanging daan upang manatili akong malapit sayo. Halos isang buwan din yun… Pakiramdam ko noon hudyat na ng paghihiwalay at pagtatapos ng ating pagkakaibigan. Ang distansiya na noo’y milya-milya lamang ang layo ay naulit pa yata ng sampung beses. Napakalayo mo na sakin ng sobra-sobra. Ikinalungkot ko ito. Para akong batang inagawan ng lollipop at iniwan na lamang ng biglaan sa lansangan. Nagkaroon sin ako ng mga negatibong kaisipan ukol sayo. Marahil may nasabi at nagawa akong hindi mo nagustuhan. Na baka may iba kang ka-i-bi-gang mas pinagtutuunan ng pansin. Ngunit napawi ang lahat ngmga ito ng bumalik ka. Bumalik ang sigla sa aking mukha, hindi ko maitatanggi na namiss kita.
Dumaan ang mga araw, buwan at taon. Napakabilis ng pagtakb ng oras. Minsan, natanong ng isang kaibigan kung posible ba daw umibig sa taong kailanma’y hindi mo pa nakikita. Natahimik lamang ako at hindi ko alam kung bakit bigla kang pumasok sa isip ko. Nahintakutan ako kasi… baka… higit na sa kaibigan ang tingin ko sayo. Upang bigyang linaw ang lahat sa aking sarili, pilit kong ibinaling ang atensyon ko sa iba. At nagawa ko ito. Dumating si olegnA at nagkaroon ng mas higit pa sa turingan namin bilang magkaibigan. Ang nagpabagabag sakin noon ay nung sabihin mong…parang nagseselos ka. Hindi ko naman alam kung biro lang yun o may iba ka pang nais ipahiwatig. At sa kaloob-looban ko, may nadama akong kaligayahan na noon ko lang naramdaman. Pero para makaiwas sa anumang magpapagulo sa sitwasyon, isinawalang bahala ko ito. Hindi rin kami nagtagal ni olegnA, dahil sa ilang personal na rason. At inintindi ko na lamang yun. Masakit pero…sa ganitong paraan lamang talaga matututo ang bawat isa samin. Naging sandalan kita…isang kaibigang handang makinig sa aking mga kasawian. Kahalintulad mo rin ang aking ama na gumagaw ng paraan upang hindi na ako malungkot. At dahil hiniling ko rin ang magkaroon ng kuya noon, ikaw ang tumupad sa pangarap kong yun. Napakarami mong positibong kaisipan na nagpabago sa pananaw ko sa buhay ko. Mga naibahangging kwento na nagbigay inspirasyon at tatag ng loob. Dahil dito natanong ko ang sarili ko kung may maganda ba akong nagawa o mabuting naidulot sayo.
Lumalim pa ang ating pagkakaibigan dahil sa mga text messages na naipadadala mo tuwing bakasyon at gayundin sa mga tawag mo. At sa paglago ng ating relasyon bilang malapit na magkaibigan, oo ma-la-pit na magkaibigan, ay nagkaroon din tayo ng mga simpleng tampuhan. Isang pangyayaring normal lamang na pingadaraanan ng isang tipikal na pagkakaibigan. Napansin ko lang, na sa mga tampuhang yun ay ako lagi ang nag-uumpisa. Ewan ko ba, hindi ka kasi nagagalit sakin, napakabait mo…sobrang bait. Marahil ganun talaga dapat kapag ang isang tao ay nalinya sa kurso mo. Naguguilty kasi ako minsan, napakapasaway ko tapos ang bait bait mo. Hinahangaan po kita dahil napakamapagpakumbaba mong binata. Dahil sa mga katangian mong ito, mas lumawak pa ang curiosity ko. Gusto na talaga kitang makilala ng personal. Minsan pa ay nagpunta ako sa kinaroroonan mo upang makita ka. Kaya nga lang nabigo ako…naghintay ako…pero hindi ka dumating. Nagdamdam ako. Sinabi ko sa sarili ko na yun na siguro ang una at huling pagkakataon na pupunta ako dun para mameet ka.
Sa kabilang banda, nakilala ko din ang kapatid mong babae. Magkasing-gulang lamang kami. Sa paraang pakikipagpalitan niya ng mga mensahe sa cellphone ay nabatid ko ang closeness na mayroon kayo. Nasabi ko din minsan sayo na marahil kung hindi ko lang alam na magkapatid kayo ay iisapin kong may relasyon kayo. Nakakakitid ng utak, pero yun talaga ang nadama ko sa mga sandaling yun. Siguro naiinggit lang ako dahil may kuya siyang tulad mo. Ang inggit na nadama ko ay maihahambing sa pagseselos. Hindi ko maipaliwanag pero nagseselos talaga ako noon. Sa totoo lang may ilang bagay din siyang binigyang linaw sakin. Naiinis daw siya sa mga babaeng umaaligid sa kuya niya. Una, dahil ayaw niya sa mga babaeng lumalandi sa kuya niya. Pangalawa, dahil pinoprotektahan lang daw niya ang kuya niya. At pangatlo, malinaw naman ang isinasaad ng kurso ng kuya niya. Malinaw ang lahat sa akin. Ngunit ang nakasakit sa aking damdamin ay ang paghingi niya ng pabor na layuan kita. Kahalintulad ng paglunok ng mapait na ampalaya ang sinabi niya. Nagkaroon ako ng bitterness sa kaloob-looban ko. Tila wala na akong karapatang manatili pa sa tabi mo.
Upang mabigyang katuparan ang kahilingan ng kapatid mo, gumawa ako ng mga bagay-bagay na pagkakaabalahan. Ibaling muli ang atensyon sa iba. Marahil tama nga ang sinabi ng isa pang malapit na kaibigan… Na hindi makatarungan ang nadarama ko para sayo. Na hopeless daw at sa huli ako ang sobrang masasaktan. Kaya nga lang ayokong makinig sa kanya dahil hindi naman niya ako naiintindihan.
Hanggang dumating muli ang bakasyon. Mayroon ulit youth camp na gaganapin sa Sugpon. At sa pagkakataong ito, labis na ang kasiguraduhan na magkikita tayo kung makadadalo ako. Doon ka kasi mag-aapostolate para sa taong ito. Kaya nga lang nagkaroon ng problema sa iskedyul ng duty ko. Hanggang sabado kasi ako, panggabi (2pm-10pm) kaya hindi na rin ako makakaabot sakali mang pumunta ako. Nanalangin na lamang ako. Sabi ko sa Kanya, na kung nais niya akong dumalo sa nasabing aktibidad at nais na Niyang ipakilala ka sakin, gagawa Siya ng paraan. At kung hindi man naaayun ang kagustuhan ko sa kagustuhan Niya ay malugod ko itong tatanggapin. Marahil hindi pa yun ang tamang panahon. Dahil naniniwala akong ang kagustuha Niya ang siyang dapat na masunod, dahil alam Niya ang mas nakabubuti satin. Lubos akong nakadama ng kaligayahan nang malaman kong hanggang biyernes na lamang ang duty samin sa linggong yun. Ang ibig sabihin nin, makakaabot pa ako sa Sugpon at sa wakas makakaharap na kita ng personal. Lubos ang kagalakan ko dahil hindi lamang Niya dininig ang nais ng puso ko, kundi ibinigay na Niya ang permiso na makilala kita.
Sabado ng umaga ay sumunod na ako, kasama ang iba pang mga kaibigan ko. Magkahalong saya at kaba ang nadarama ko habang papalapit na kami sa kinaroroonan mo. At sa wakas hindi na milya ang layo mo sakin kundi ilang metro na lamang. Nagkita din tayo! Napakatamis ng unang ngiti na nakita ko sayo. Kinagabihan, nagkaroon pa tayo my munting tampuhan. Gaya ng inaasahan, ako ulit ang nag-umpisa. Kaya naman, minabuti na nating harapin ang bawat-isa. Nung una natakot ako sayo…nagtago pa ako sa likod ni Chet. Pero napawi rin ang lahat nung sinimulan mo akong kausapin. Napagdesisyunan nating maglakad-lakad muna. Iyun ang unang gabi na nakasama kita ng buong-buo. Tila ayokong ihakbang ang aking mga paa, dahil sa bawat hakbang na aking ginagawa ay nauubos din ang buhangin sa orasan. Kung may nais man akong gawin sa mga sandaling yun ay patigilin ang pagtakbo ng oras para mas matagal pa kitang makasama at makilala.
Nagkaroon ako ng ilusyon noon. Pakiramdam ko hindi lang tayo magkaibigan, gusto ko kasing damhin na higit pa roon ang nadarama ko para sayo. At ganoon ka rin sakin. Ninais kong hawakan ang iyong mga kamay habang tinatahak natin ang daanan patungo sa simbahan ng napakagandang lugar na yun. Ginusto kitang yakapin, at pawiin ang lamig na tumutulak saking dumikit ng kahit bahagya lamang sayo. Ninais kong pakinggan ang iyong tinig, at masabi sa sarili kong ang awit mo ay nakalaan lamang sakin. Ilang beses ko rin tinangkang isandal ang ulo ko sa balikat mo at ubusin ang natitira pang mga minuto sa kasama ka. At sa mga sandaling yun, gusto kitang halikan… at sabihing mahal kita…Ginusto kong isiping kasintahan kita sa mga panahong yun. Ngunit… hindi naging madali ang lahat. Naunahan ako ng hiya at pangangabog ng dibdib. Kaya idinaan ko na lamang ang lahat sa biro at tawa. Nais kong sulitin ang bawat segundo na kasama ka, dahil natatakot akong hindi ulit ito mauulit pa.
Tumatak sa akin ang mga ngiti at tawa mo. Ang mga kilos mo na nagpapangiti sakin. Naalala mo pa ba nung sumakit ang paa ko tapos gusto kong ipalit ang sandal ko sa tsinelas mo? Ginawa ko yun kasi gusto ko lang makita ang reaksyon mo. At dun ako kumuha ng pagkakataong mas mapalapit pa sayo. Doon ko naramdaman ang pagpapahalagang ibinibigay mo sakin. Hindi man malinaw kung ano ako sayo, ang mahalaga, nasa tabi kita.
Higit akong naguluhan at nabagabag sa mga halu-halong ideya sa isip ko. Oo, may pagtingin ako sayo. At wala akong pakialam kung wala man ito sayo. Basta ang nais ko ay maging tapat ka lamang sa sarili mo. Hindi ako naghihintay o umaasa ng tugon sa nadarama ko para sayo. Ang malamang pinapahalagahan mo ako bilang kaibigan ay sapat na sakin. Inspirasyon kita at sana’y nagiging inspirasyon mo rin ako sa pagpupursigi mong maabot ang mga mithiin mo sa buhay. Dahil mas maligaya akong malaman na magiging matagumpay kang tao sa hinaharap.
Ilang beses din kitang sinubukang layuan pero hindi ko magawa. Lalayo ako dahil pakiramdam ko sagabal ako sa mga pangarap mo. Marahil baka mas maguluhan ka pa kung mananatili ako. Patawad sa pagiging makasarili ko. Kung anu-ano na yung mga naiisip ko para lamang dumistansiya sayo. Minsan, nasaktan pa kita dahil sa isang napakalaking pagkakamali. Ang gumawa ng kontrata kung saan anim na taon tayong walang komunikasyon. Doon ko unang nadama at nakita kung gaano ka kaseryoso. At doon ko rin unang nasaksihan kung paano magdamdam ang isang tulad mo. Napakapalpak ng ideyang yun. Dahil dun nasaktan ko ang mga damdamin natin… Hindi ko dininig ang mga kaibigan ko na layuan ka. Ayoko din makinig sa kahit sino ukol sapaglayo ko sayo. Kung gagawin ko man yun, sarili kong desisyon yun.
Nais ko lang ipaalam sayo na masaya ako na mahalaga ako sayo. Alam mo, iyon na ang huling beses na tatangkahin kong mawala at lumayo sayo. Lalayo lang ako kapag sasabihin mo sakin na di mo na ako kailangan, na di mo na ako mahal, na gusto mo na akong mawala sa buhay mo. Mananatili pa rin ako sa tabi mo. Masaya po ako, dahil na sayo ang katapatan ng puso ko. Mahal kita at hindi ako mapapagod na mahalin ka… sana hayaan mo lang ako sa tabi mo. Napakaemosyunal ng liham na ito, o matatawag ba itong kwento gaya ng ipinangako ko. Hindi ako martir tulad ng iniisip ng iba. Naniniwala lamang ako na hindi naman kailangang magdemand ng tugon sa damdamin para sa taong minamahal mo. Sapat na na nakikita kitang masaya…kahit pa sa piling man yan ng iba…Hanggang dito nalang, salamat sa pagbabasa.
Huling Patak
Tuesday, June 16, 2009Patuloy ang paglakas at pagbuhos ng ulan na nagiging sanhi upang maging maputik ang daan. Mapapansin ang banayad na pagbaybay ng lupon ng mga kalalakiha’t kababaihan sa madulas at mapanganib na damuhan. Ngunit hindi ito inaalintana ng mga taong umaangkas sa higaan ng malamig na katawan ng isang dalaga. “Napakagiting niya…”sabi ng isang mama na may hawak sa nakakaawang liham na pilit na ikinukubli ng matandang lalaki para hindi ito mabasa ng ulan.
Sa daan ay nakasalubong nila ang isang binata na humihingal sa pagtakbo patungo sa kanila. Mabilis nitong pinatigil ang prusisyong nagaganap at pinabuksan ang munting tulugan na ng dalaga. Sa mga sandaling yaon ay binasag ng binata ang pagluluksa at isinigaw ang naghihimagsik nitong nadarama. “Magbabayad kayong mga maysala!..Ipaghihiganti kita!..” Iniabot ng matandang lalaki sa palad ng binata na puno ng pangungulila’t panghihinayang ang sulat na nakalaan para sa kanya. “Hijo, ikaw ba si Rich Francisco, heto nakita namin sa lamesa ng dalaga, sulat para sayo.” Agad nitong binuksan ang sobre at binasa ang nilalaman nito.
“Kalakbay,
Mapagpalaya at masayang pagbati sayo!
Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin pala nung huli tayong nagkita, nagkausap, at nakapagpalitan ng text. Sana nasa maayos kang kalagayan tulad ko na patuloy na namamangha sa kagandahan ng daigdig. Hindi ko maitatangging namimiss na rin kita at habang tumatagal ay tila mas ninanais kong makita at makasama ka muli. Gayunpaman, hindi pa rin ako nagsisisi sa daang tinahak at sa pasyang pinaninindigan ko hanggang ngayon at magpakailanman.
Magpipitong buwan na pala ang nagdaan buhat nang tayo’y tuluyang naghiwalay. Naaalala ko pa rin ang eksaktong petsa nito, ika-labingpito ng Agosto noong nakaraang taon nang hiningi ng pagkakataon na tapusin na natin ang lahat ng namamagitan sa ating dalawa. Gusto kong malaman mo na masaya akong nakikipamuhay kasama ang mga magsasaka dito sa isang liblib na bayan ngayon. Lubos ang aking kagalakan sa mainit nilang pagtanggap sa akin at mas lalo kong nauunawaan ang tunay nilang napagdaraanan at kinakaharap sa kasalukuyang panahon. Nakalulunos ngang mabatid na ang sinasaka nilang lupain na pinaglalaanan ng pawis at dugo habang nakababad sa ilalim ng araw ay hindi nila pag-aari. Ang masakit pa nito ay hindi sapat ang kanilang natatanggap na bahagi sa hatian. Binababahan pa ang presyo ng mga produktong iniaangkas papunta sa sentro kung saan nagaganap ang palitan ng mga produkto. Napakasakit na malamang mababa ang pasahod ng mga walang pakialam at walang awang mga panginoong may-lupa. Bukod pa rito’y sinusupil nila ang mga hinaing at karapatan ng mga manggagawa. Ito ang natuklasan kong katotohanan sa aking isinasagawang dokyumentaryo dito sa munting paraiso. Isang pook na pilit ginagawang impiyerno ng mga mapagmalabis, mapang-abuso at nakaaangat ang uri ng pamumuhay sa lipunan.
Mula sa mga sandaling ito’y hindi ko maiwasang magbaliktanaw sa mga napagdaanan nating karanasan nuong magkarelasyon pa tayo. Naging masaya at maayos naman ang lahat sa atin kahit na maraming tumutuligsa sa ating relasyon. Ipinagbabawal daw ang ating pag-iibigan dahil tayo ay magkamag-anak…Ngunit lagi nating ipinapaliwanag at ipinapaunawa sa kanilang lahat na malayong magpinsan lamang tayo. Akala ko talaga hindi na matatapos ang kaligayahang nananaig sa aking puso. Subalit isang malaking panaginip lamang pala ang paghahangad ng isang matagumpay na relasyon kapiling ka. Dumaan ang mga araw at nagsimulang lumabo na ang mga bagay-bagay sa ating pagitan. Naaalala mo pa ba ang pangyayaring nagpabago sa pagkakakilala natin sa isa’t isa? Hapon nang Sabado noong nagkita tayo. Tandang-tanda ko pa ang masiglang tawanan at napakabanayad na pagpapalitan ng mga kuwento. Dahil dun lamang tayo nagkakaroon ng pagkakataong makasama ang bawat isa. Ngunit may naganap na hindi ko inaasahan sa tanang buhay ko. Tayo lamang ang mga tao sa apat na sulok ng silid na yaon. Tahimik ang kapaligiran at malamig ang pagdampi ng hangin sa ating katawan. Naging mapusok ang ating mga kaluluwa dahil nagawa tayong lamunin ng nag-aalab nating damdamin. Ngunit, lubos akong nahintakutan sa bilis ng mga pangyayari kaya’t minadali kong umiwas at humiwalay sa ating pagkakatabi. Malakas nga ang hatak sa akin ng aking konsensiya sapagkat sa oras na yun ay mukha nila inay at kapatid ko ang gumising sa aking isipan. Nagapi ko ang pagnanasang muntik ng lumamom sa aking pagkatao. “Bakit, bakit hindi mo kayang ibigay?..” Yan ang katanungang gumimbal sa akin. Dahil mali yun Rich…at natatakot ako sapagkat malaking responsibilidad at pananagutan ang naghihintay sa atin. Naibahagi ko naman sayo ang awang nadarama ko sa tuwing nagpupuyat ang aking ina sa di mawaring parte ng lansangan sa araw at gabi para lamang ayusin ang burol ng mga taong hindi naman namin kakilala. Sa ganitong kaparaanan iginagapang ng nakapanlulumong ilaw ng aming tahanan ang aking pang-matrikula. Kung tutuusin, kayod-kalabaw na siya para makapag-tapos lamang ako ng pag-aaral. Naiisip ko tuloy ang hirap na dinaranas ng aking ina tuwing idinadaing nito ang pagsakit at pagkirot ng kanyang paa , likuran, at ulo. Lagi niyang inuulit sa akin na ako ang pag-asa ng aming pamilya, na ako na lamang ang makakatulong sa nakababata kong kapatid sa kanyang pag-aaral, na sana huwag ko siyang bibiguhin. Naisip ko, paano na kung may nangyari sa atin di ba? Alam kong hindi ka handa sa kaakibat nitong responsibilidad.. Alam kong hindi ka rin handa sa hirap na pagdaraanan natin pagkatapos sana ng mangyayaring yun, di ba? Hindi ko naman ipinapahiwatig na handa na ako, ngunit, iniisip ko lamang ang hirapna idudulot nito. Ako ang itinuturing na alas ni inay upang maiahon sila sa kahirapan. Tanong ko sayo nun, “kung ikaw ang nasa kalagayan ko, magagawa mo ba silang isakripisyo at hayaang maglaho lahat ang mga pangarap mo upang mabigyang katuparan lamang ang kamunduhan mo?”
Maisuko ko man ang pagkababae ko, alam kong sa kaloob-looban ko’y hindi ako nakakatiyak sayo. Lubos kitang minahal ngunit ikaw ba ay ganoon din? Hindi naman ako naghihintay ng tugon mula sayo para sa nararamdaman ko. Sapat na sa akin na nasisilayan kang maligaya, ngumingiti at ipinapadama sa akin na espesyal ako sa buhay mo. Sapat na talaga sa akin na minsa’y nagkaroon ako ng puwang sa buhay mo, na naging bahagi ako ng mundo mo. Tama na na naipakita ko kung gaano kita kamahal at pinapahalagahan sa buhay ko. Marahil, hindi nga tayo naitadhana para sa isa’t-isa.
Alam mo bang lubos ang aking pangangamba na kung naganap sana ang ating pagkalimot sa sandaling yun ay ayokong isilang ang ating anak sa napakasalimuot at napakagulong lipunan? Di ko nais na maranasan niya ang kahirapang nararanasan ko sa kasalukuyan. Ang walang humpay na pagtaas ng matrikula, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, langis at mga pangunahing bilihin na pinantutustos natin sa araw-araw na pangangailangan, ang pang-aabuso ng mga makapangyarihang buwaya sa mga maliliit at mahihirap, at ang kawalan ng tamang dedikasyon sa paglilingkod sa masa ng mga kurakot na pulitiko, ang nakapiring na hustisya at ang napakabulok na sistema ng pamahalaan, ay ilan lamang sa dinami-dami kong nakakaharap na sakit sa lipunan sa araw-araw na pakikipagsapalaran.
Napakarami ko pang nais gawin at minimithing mangyari at maisakatuparan. Hindi ko man hawak ang panahon at oras na itatagal ko sa mundo, masasabi kong malayong mapagsasabay ang responsibilidad na magmulat at ang maaaring ibunga ng kinatatakutan kong mangyarisa atin noon. May nasimulan kasi akong pakikibaka upang muling maitaguyod sa kaunlaran ang buhay ni Juan… Nais kong makita ang masa at ang bayan na hahalakhak sa ganda ng panibagong umaga na puno ng pag-asa. Sa tinahak kong kapalaran ay hindi ako nag-iisang lumalaban, kasama ko ang mga magigiting at maaasahang kabataan na naghahangad ng pagbabago upang baliktarin ang negatibong tatsulok na pahirap sa mga tulad kong kapus-palad.
Naiintindihan mo na ba kung bakit hindi ko magawang ibigay ang hinihingi mo? Huwag mong ipamukha sa akin na hindi magaganap ang kinatatakutan ko dahil alam mo ang ginagawa mo. Huwag kang magmamaang-maangan Rich na magiging normal ang lahat. Nanghihinayang ako sa ganda ng ating samahan noon na nagkaroon ng malaking pagbabago ngayon. Gayunpaman, nais kong ipadama ang mainit kong pasasalamat sa pagdaan mo sa aking buhay.
Alam kong bata ka pa at kaunti pa lamang ang nalalaman mo sa mga tunay na nagaganap sa ating bansa. Ngunit, may isip at kakayahan ka at balang araw ay mamumulat ka din sa katotohanan. Huwag mo sanang hayaan na gawin kang bulag, pipi at bingi ng iyong kamunduhan. Naniniwala ako na isa ka ring makabayang kabataan na kakikitaan ng natatanging kakayahang maglingkod sa inang-bayan. Alam mo bang hindi naman talaga sa dami ng karelasyon o kasama sa kama nasusukat ang pagkalalaki ng isang lalake? Kundi sa kakayahan nitong magbahagi ng panahon para sa pagsusulong at pagpapalaya sa lipunang kinokontrol ng mga taong sakim sa kapangyarihan. Sa ganitong paraan mo sana ipakita any iyong pagkalalaki.
Kaya, heto ako ngayon… nakikibaka at umaasang bumaba na sa puwesto ang mga pulitiko na makakapal ang pagmumukha at ipinagpipilitan ang kanilang mga sarili sa palasyo. Hindi mo ako masisisi kung bakit ganito na lamang ang pagnanais kong makawala sa kuko ng pag-aalinlangan kahit na walang katiyakan ang kahihinatnan ng aking mga gagawin, di ba? At wala ka rin sa tamang posisyon para sumbatan akong isinuko kita dahil wala akong kakayahang ipaglaban ka. Ginawa ko ito sapagkat yun ang makabubuti hindi lamang para sa ating dalawa kundi para na rin sa pangkalahatan. Ang pagmamahal ko sayo at sa bayan ay matitimbang lamang sa pamamagitan ng pagsuko ko ng aking pansariling interes at makamundong kaligayahan. Nais kong ilaan ang buong buhay ko sa paglalayag sa ilog kahit na hindi ko man mawari sa ngayon kung saan ako nito dadalhin. Mas pinili kong mamuhay kapiling ang mga kasama ko. Ito ay dahil naniniwala akong sila ang tulay at makapangyarihang susi upang mawala na ang mga naghaharian sa masa. Wala nang mang-aapi pa sa mga gaya naming isang kahig isang tuka.
Sa kahuli-hulihang pagkakataon, nais kong sabihin na mahal pa rin kita. Hindi ko sinasabing hindi na ako muling iibig sa iba. Marahil ay hindi pa ito ang tamang panahon upang magmahal muli. Higit sa anumang bagay ay mas binibigyan ko ng pansin at panahon ang aking pag-aaral at pagsisilbi sa masang kabataan sa pamamagitan ng pagsusulat at pagtulong sa pagmumulat. Nais ko silang tulungang makalaya mula sa takot at pagiging tuta sa mga nagpapanggap na mabubuting modelo sa ating bansa. Ito ang naitalagang kapalaran ko at masaya ako dito. Alam kong maiintindihan mo rin ako pagdating ng tamang panahon. Sakaling mabigo man ako sa larangan ng pag-ibig, sisiguraduhin kong makakamit ng bansa ang isang malayang lipunan na malayo sa karahasan at karukhaan. Kapag nangyari na ito, makakamit na natin ang tamis ng tunay na kalayaang noon pa natin inaasam. Sa gayon, makatitiyak na tayo sa maayos at masaganang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Hanggang dito na lamang kaibigan at mabuhay ka!”
“Alas dose y medya na pala…” pabuntong hininga na nasambit ni Ceres sa kanyang sarili habang tinititigan ang kanyang sulat kamay. Isa na siyang ganap na manunulat at mayroon na ring pangmatagalang pinagkakakitaan ng pera na pinantutulong sa kanyang pamilya. Pagkatapos magkatitulo ay binigyan naman niya ng pansin ang pansariling pangarap. Sa eksaktong oras ding yaon niya natapos ang huling liham na ipadadala niya para kay Rich. Sa isip niya’y hindi na kasi niya matukoy kung makapaghuhulog pa ba siya ng sulat at kung makakabalik pa ba siya sakali mang mayroong maganap sa kanya. Mamayang alas kuwatro ay hahayo na naman siya para salubungin ang mga kabataang dadalo sa pulong na gaganapin sa muog. Ito ang nagsisilbing tahanan ng mga tibak na tulad niya. Sa ganitong mga bagay-bagay umiikot ang kanyang mundo simula nang piliin niyang maging isang responsableng kabataan at manunulat na naghahangad ng pagbabago.
Pipirmahan na sana niya ang liham ngunit biglang naubusan ng tinta ang kanyang panulat. Pumapatak na ang pawis sa mapusyaw na papel na kanyang pinagsusulatan. Tatayo na sana siya upang kumuha ng bagong pluma ngunit sa sandali ding yun ay umalingawngaw ang tunog ng pagputok ng isang baril.
Pulang tinta na ang nagwakas sa kanyang sulat at pati na rin sa mga pangarap na unti-unti na niyang naisasakatuparan. Kasabay nang pagbagsak ng katawang hinubog ng iba’t ibang karanasan ay ang pagdaloy din ng mga luhang marahan na pumaibaba sa kanyang pisngi. Bago tuluyang mawalan ng hininga’y nasambit niya ang isang munting dalangin. “Panginoon, hayaan Niyo na makarating itong liham ko sa kanya…” Ang huling patak ng kanyang luha ang gumuhit ng kanyang lagda.
How embarrassing is embarrassing?..
Sunday, June 14, 2009I started composing this post with opposing emotions of hatred and hope. Yet, I am empowered of this positive force that for sometime I belong to the set of young people striving so hard to win the struggle of life’s circumstances.
At some point. I am aware of the rapid growth of population in the country. Because of lack of employment due to decreasing stability of our economy that causes local and foreign companies closed, laziness of irresponsible people, starvation, crimes, poverty, we are half-way ending up with this rude, cruel and pathetic world. (I am not that hopeless, though it seems the other way around).
Another painful fact I observed is very typical yet must be atypical to families of today. That those couples (especially in the squatter’s area) who cannot provide adequate food, clothing and shelter for their children and family, are still the ones who are likely to build big family with big numbers of children. (I disagree that “the more the merrier” not with this issue! I am thankful because of having one rival-sibling, huh). The result…greater sadness to those poor children, forced to labor, with no choice but to wander the unsafe roads to yearn for food, money and clothing to those kind and snob people. To this fact, we face a different picture of living. An undesired life. A pathetic one.
Actually, the real story goes this way. It happened not only once but twice. For now, I did developed a phobia because of these two traumatic experiences. I really wanted voice out the shame to the parents of those two very young devils (I mean disqualified angels), disappointment for being so irresponsible and anger that I have met them. I am just afraid that this preoccupation will lead me to psychosis, so I have to release negative forces to regain emotional homeostasis.
Scene 1. After my last day of RLE (related-learning experience) for the last rotation for our advance duty, I decided to go home after changing clothes. Before I went at the city plaza to wait for a bus, I bought snacks in a fastfood chain (to satisfy my hunger). After a while, two kids came near me and asked for money. The older one was asking five pesos, and the younger one asked one peso only (huh, I wonder how wise those kids, asking with specific amount huh). I checked my pocket if I have coins, thank God, I still have two pesos. I asked for an apology to the older one that I can only give him one peso. Then, he just said that I should give him my food. I told him that I can’t because I haven’t eaten my lunch yet. Still, he struggled to get it, but I moved fast and protected my food. Meanwhile, he kicked my pants and said “imut!” and they finally ran. Wow! I felt that all my blood went on my face. I started to tremble because all people in the waiting shed were staring at me. One said, “grabe naman yung mga batang yun!” Other one said, “miss ok ka lang, yaan mo na yung mga bata, alang breeding eh”
At that moment, I wanted to put down my bag and food. Everything turned to black. I wanted to run, catch and scold them. Hmmm… I wanted to scream and cry, yet chose to comfort my self not to so to decrease aggravating my embarrassment. (nagngingitngit talaga ako sa loob ng bus). Forgive then forget.
Scene 2. I must supposed to feel happiness then. Last Sunday, I went in the church to attend the five o’clock mass. It happened that I seated on the second row infront. After few minutes, I saw those two dirty and thin devils again, fast-approaching towards me. That time, I wanted to scream and throw them away. “Kwartam man”, they chorused. It just so bad, that I have no coins. “ Awan ading,” I said. Again, they shouted me, “imut!” My God, for the second time, I palpitated and wanted to walk out the church. I lost the essence of my focus and preparation for the mass’ celebration. The woman beside me comfortingly said that I should ignore them and not be bothered. I was about to hyperventilate. Thank God, I know how to control my internal environment. I sighed a lot. (because of the event, I decided not to have the communion, though I emotionally and spiritually communed with Him).
I believe that I am not a bad person. (positive effect of this event was that, I exercised my flexibility and patience with different situations, happy, sad, embarrassing, and the like. I just hope that I develop resistance and never panic again)
I just wish I won’t experience those happenings again. Perhaps, if it will, I might transformed and be like Shrek, mighty and bold when angry). With these events, I have four things on mind.
1. “HINDI LAHAT NG PULUBI AY DAPAT KAAWAAN.”
2. To the irresponsible parents of those two kids, I must say that you are accountable for their growth and development. What they are greatly reflects who you are. Do not just engaged self in for short-term happiness and love-making without considering your responsibilities after bringing kids to this world. We don’t need those kind of kids who will soon be the future of this land.
3. To those two young kids, I really pity you a lot. For in time, you might be two of the most wanted criminals of this strange world. I will salute you two if you will mold yourself with good manners and right conducts. Don’t be like your parents.
4.I must admit that I am typing this in the heights of my anger, I want to apologize this for being rude with words. Truth hurts! That’s true. I hope, and I strongly pray that your family will be blessed not anymore with kids, but with food, so that they will not cry for hunger, and never dare to put anyone else into an embarrassing moment just like mine.
So help them God.


